# Community Partner

#FactsFirstPH

Fact checks

FACT CHECK | Kulang sa konteksto at misleading ang pahayag na ‘traydor’ si Ninoy Aquino sa pagsiwalat sa Jabidah massacre

News5 Digital

Contributor

FACT CHECK | Kulang sa konteksto at misleading ang pahayag na ‘traydor’ si Ninoy Aquino sa pagsiwalat sa Jabidah massacre
Sa isang video na in-upload sa Facebook fan page na ‘JVPH Ulat’, may pahayag na ‘traydor’ umano ang dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa pagsiwalat sa plano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na lusubin ang Sabah sa Malaysia.

Isinalin ito mula sa fact-check ng Davao Today

(Setyembre 9, 2022) – Sa isang video na in-upload sa Facebook fan page na ‘JVPH Ulat’, may pahayag na ‘traydor’ umano ang dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa pagsiwalat sa plano ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na lusubin ang Sabah sa Malaysia.

Kulang sa konteksto at misleaading ang pahayag na ito.

ANG PAHAYAG:
Sa tatlong minutong video na pinamagatang “HERO? ANG TOTOONG NANGYARI SA SABAH PILIPINAS” at in-upload noong Agosto 2, ipinaliwanag na ang plano ni Marcos Sr. na lusubin ang Sabah ay bunga umano ng isang matibay na ebidensya na ang Pilipinas ang may-ari ng Sabah.

Sa video na ito, pinakita ang isang spliced video ni Xiao Chua, isang historyador, na nagsasabi na may mga tao pa rin na hanggang ngayon nagsasabing trinaydor ni Aquino umano ang bansa sa pagbunyag sa Jabidah Massacre.
Ipinahiwatig din nito na kung hindi niya nilantad ang naganap na masaker, hawak na sana ng Pilipinas ang Sabah.

MARKA: KULANG SA KONTEKSTO, MISLEADING

ANG TOTOO:
May mahalagang detalye na hindi nabanggit ang video ukol sa plano ng yumaong diktador na paglusob sa Sabah. Inutos ni Marcos ang pagsasanay ng isang special commando unit na “Jabidah” sa operasyong “Project Merdeka” – salitang ibig sabihin sa Malay ay “kalayaan” – para pumasok at i-destabilize ang Sabah. Sa oras na makumbinsi ang mga Pilipino sa Malaysia na umalis sa Sabah gamit ang psychological warfare, doon lulusubin ang estado ng Malaysia.

Sa gitna ng pagsasanay sa Corregidor, nakaranas ng pagmamaltrato ang mga rekrut, kaya sila nagsulat ng petisyon kay Marcos. Pinagbigyan silang saglit sa kanilang hiling na mabigyan ng mas maayos na kondisyon, ngunit pina-resign at tinanggalan ng armas ang mga pumirma sa petisyon na ito. Bawat 12 rekrut ay tinanggal sa kanilang barracks. Matapos nito ay pinaslang ang mga rekrut, at iilan lamang ang nabuhay. Ito ang ngayo’y tinatawag na Jabidah Massacre.

Itong insidenteng ito ang nagbigay-daan para isiwalat ni Aquino Sr. ang masaker sa kanyang privilege speech sa Legislative Building at imbestigahan ang isyu sa Senado.

Nakuha ang spliced video na ito mula sa isang television documentary ng TV5, ang Crime Klasik. Sa orihinal na video, ikinuwento ni Chua ang nangyaring pagpaslang, ngunit hindi ito ipinakita sa Facebook post.

BAKIT ITO MAHALAGA:
Nakakuha ng 43,000 views, 116 comments, at 2,400 reactions ang video na ito noong Agosto 31. May halos 18,000 followers din ang page na ito na nilikha noong Oktubre 2020.

Isinalin ang fact-check na ito mula sa ulat ng Davao Today na unang nakasulat sa Ingles. 

Bahagi ang News 5 at Davao Today ng #FactsFirstPH na nakatuon sa pagtaguyod ng katotohanan at paghingi ng pananagutan sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon. Para sa mga interesadong sumali, mag-email sa info@factsfirst.ph. Maaari ring magpadala ng mensahe sa News5 kung may nais kayong ipa-fact check. Basahin ang aming polisiya hinggil sa fact-checking.

This piece is republished with permission from News5 Digital.

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.